Almost 15, Happy Anniversary (Part 2)

This is a semi-fiction and a semi-autobiographical narrative. The past few months have been very difficult for all of us due to the global health crisis brought about by COVID-19. But these months were even more difficult for me. I lost the love of my life, Alonzo. He was battling cancer (lymphoma) for almost six months and finally succumbed on 31 March 2020, 1:15 amI also lost my father on 26 April. My father was also battling cancer (prostate cancer) for almost three years

THIS POST CONTAINS STRONG LANGUAGE THAT MAY BE OFFENSIVE TO SOME.

Do you remember how we ended up celebrating our anniversary on the 14th of November?  Ipil Residence Hall. Dormitory pa ito dati ng mga graduate student. Hindi na kasi siya exclusive for graduate students ngayon. Kulang na rin kasi ng dormitoryo sa UP. Sa dami ng mga estudyanteng nais maging iskolar ng bayan dahil sa free tuition, aba dumoble na ang mga aplikante at medyo dumami na rin ang mga pumapasa sa UPCAT. 

            Anyhow, it was at Ipil where everything started. November 2004 when you became an official Ipil resident. Ako kasi since November 2003, residente na ako ng Ipil. Nakatatlong palit na ako ng roommate ng ikaw naman ang dumating. May isang buwan na akong walang roomie noon – so I thought na-convince ko si Ma’am Cantuba, the dorm manager then, na solo flight na ako. Pero one night in November 2004, I was surprised na ang dating bakanteng kama ay biglang nagkaroon ng cover at may mga iilang libro na nakadisplay sa empty shelf. Siyempre, sinilipan ko ang mga libro. Nosebleed ako – Microbiology of Food, Food Science and Technology, The Science of Food Security. A nerd roommate? Tanong ko sa sarili ko. 

            Previously kasi my roommate was a social science major. He was on his way to finishing a PhD in Sociology. Weird din siya (goops, apologies kung judgmental). Kasi nakikidiskurso sa akin kahit wala naman akong intensiyon na makipagdebate sa kanya. Lahat na lang sa kanya ay issue. More so, lahat na lang sa kanya ay kailangang i-intellectualize. Kaloka nga pati ang pagbili ko ng pagkain mula sa Shopping Center ay diskurso – issue sa kanya kung saan binili, paano binalot ang take-out, kung magkano ang presyo. My God – minsan mas gusto kong late na lang ako makauwi at nang tulog na tulog na siya pag pasok ng k’warto. Pero siguro naramdaman niya na hindi ako interesado sa debate. Kasi hindi nagtagal, tinigilan na rin niya ako sa mga tanong. 

            My first roommate was a lawyer but finishing a Master’s degree in Creative Writing. I called him Kuya Adan. Nagpapasahan kami ng mga poems at mga short story noon – kasi alam mo naman feeling artist din ako! But kidding aside, may utang na loob din ako kay Kuya Adan. Nakabuo ako ng ilang mga dula. Pero di ako sure noon kung beki siya until I read his poem titled Woe Men – anti patriarchy and anti heterosexuality. Although walang confirmation ito – gut feel ko lang na beki nga siya based on this writing (okay judgmental ulit ako!).

            Hindi ako nakatulog nun – anxious ako kasi nga may bagong roommate na. Kaya lang di ka umuwi noon. Hanggang ika-6 ng umaga, umaasa na pumasok ka sa room para makilala na rin kita. Pero nagkita na tayo after a week. Ikaw naman nauna sa room. Ako naman kasi galing ng Pampanga noon kasi Sunday. That time, weekends ko ay Pampanga. Noong dumating ako, may kausap ka sa phone. Tungkol sa thesis or something. Basta may pinapagalitan ka sa phone. And you ended up saying: “ikaw bahala kung gusto mong mag-graduate, follow my instructions.” Nadinig ko lang naman, hindi naman ako nakikinig. Kaya after 15 minutes pa tayo officially nakapagexchange ng mga pangalan. 

            “Hi, Al.” Bungad mo sa akin habang nagtatanggal na ako ng mga damit from my bag at isinasabit na sa aking closet.

            “Dei!”

            We shook hands. Grabe ang grip. Kaya sa isip ko, straight ba ito? Pero ang taas ng decibels habang nagsasalita sa phone. 

            “College of Home Economics”

            “Ah sa Arts and Letters. Theatre Arts!”

            “MS Food Science”

            “Pampanga!”

            “Huh?”

            “I mean, taga Pampanga ako – Kapampangan, mekeni, mekeni!”

            “Sampaloc pero Batangas kami originally.”

            Ring ulit ang phone mo: “Sorry, mga estudyante, ang kulit kasi – thesis season ng first sem.”

            And yun na nga, lumabas ka ng room. Doon ka sa may terrace ng wing natin sa Ipil. In my head: Cute ba siya or hindi? Pogi ba? Ay basta, unsure ako the first time we met. 

            We didnt like each other noong nagsimula tayo. Or baka assumption ko lang ito? Kasi ako noon inis na inis ako dahil panay mong binubuksan ang window area ko – sabi mo mainit pero ilang ulit kitang sinabihan na may pumapasok nga na daga. Hindi nga nagtagal ikaw mismo ang nakaexperience sa pagpasok nito sa room natin. Sabi mo one Saturday, umuwi ka ng dorm at pagbukas mo ng ilaw, may isang daga na kasinglaki ng pusa ang mabilis na tumatakbo palabas dun sa bintana. Mabuti na rin lang at wala ako. Kung ako siguro ang nandiyan, tiyak na tumili lang ako nang tumili. Takot ko lang sa daga.

            Nakuwento mo rin naman dati na ang bansag sa akin ng mga officemate mo – sina Ma’am Cel at Weng ay generator. Grabe ka nga eh – hindi ko pa sila nakikita, siniraan mo na ako kaagad! Naikuwento mo nga sa kanila na parang nakalunon ako ng generator pag gabi. Hindi ka makatulog sa lakas ng hilik ko! Wow, ah! As if hindi ka humihilik. And noong tuluyan ko na ngang nakilala sina Ma’am Cel and Weng, nabanggit nila na noong una raw naiingayan ka sa akin dahil parati kong sinasabayan ang mga Broadway hits dun sa CD player ko pa noon. May kausap ka sa phone noon, narinig nga kita na nagsabing sinisira ko ang mga magagandang Broadway song. 

            But everything changed one night. I was crying dahil sa heartbreak – nagtago ako sa cabinet kasi ayaw kitang maistorbo. But you approached me and told me na pagusapan natin. This was before Christmas break – before the lantern parade ng taong 2004. And ayun na nga, naging magkaibigan na tayo. By January 2005, lumalim na ang kwentuhan natin – pati love-life natin kino-confide natin sa isa’t isa. I didn’t find you attractive yet – ooops operative word “yet.” And you didn’t find me attractive as well – not your type kumbaga. Kasi nga I was more flamboyant and you were more pa-mihn o short for pamintang durog! Mga klosetang ewan! That time, I was pursuing a cast member of a children’s musical I was part of – alam mo naman kung sino yun. From January to March, akala ko nga may mamumuo sa aming isang magandang relasyon. Ayun na nga, heartbroken na naman by March. Niyaya kitang mag Malate noon. Doon ko ibinuhos ang sama ng loob ko:

            “May asawa siya!” 

            “Talaga?”

            “Akala ko nga seryoso siya –“

            Inom lang ng inom ng beer – hindi nga ako sanay. 

            “Eh sinabihan na ako nila Jean at Rh na may sabit siya – hindi ko naman akalain na ang sabit ay legal na asawa.”

            “Ay teka, asawa? Meaning kasal siya –“

            “Yes!”

            “ – sa babae?”

            “Legal ba ang same sex couple sa Pinas?”

            “Oh my God – akala ko, asawa, in quotation marks.”

            Sabay napainom. Ang pinakanakakaloka ay ang revelation mo:

            “Nandito na rin tayo, may aaminin ako.”

            Hindi ko alam kung bakit kinabahan ako noon. Pero sobrang parang gets ko kung ano ang gusto mong aminin.

            “Remember, noong ipinakilala mo siya sa akin –“

            “When you saw the play.”

            “Oo, that time –”

            “Hinanap niya ako sa Facebook”

            “Okay”

            “And then –“

            Inom. Naubos nga ang isang bote ng Lite. Grabe bilis uminom.

            “Promise mo, h’wag kang magagalit”

            “Huwag mo na lang kayang ituloy, parang alam ko na ang ikuk’wento mo!”

            Tahimik. 

            “Nagsex ba kayo?” Hindi ko alam kung bakit biglang naging straightforward ang bibig ko sa yo. Hindi ko rin alam kung sa kanya ba ako galit noong panahong ‘yon o sa yo. Hindi ko rin maintindihan ang sarili ko – bakit parang mas nagselos ako sa kanya kesa sa yo samantalang kami naman ang supposedly na magkadate noon.

            Hindi ka naman kaagad nakasagot. Pero noong sinagot mo ang mahinang “Yes” bigla na lang akong naluha. 

            “Sorry!”

            Then it dawned on me. I remember the warning I received from Jean after dinner that night na naintroduce ko kayo. Remember, we went to Trellis. The next day, while we were putting on our make up before the performance, bigla na lang nagsabi si Jean: “Day, yung gusto mong maging jowa, mukhang gustong kainin ang roommate mo?”

            “Huh?”

            “Hindi mo ba napansin sa dinner natin kagabi?”

            “Sa’n banda?”

            “Naku, ikaw talaga either naïve ka or talagang super blinded ka na ni bakla!”

            “Marumi lang utak mo!”

            “Naku, basta na-warn ka namin!”

            “Tsaka – may ibang di-ne-date itong si Al.”

            “Bakit dating status na ba kayo?”

            Napabuntong hininga ako. “Hindi ko alam – magulo pa!”

            “Naku, ayoko sa aking manggaling – pero ang alam ko may sabit yan – kilalanin mo muna siyang mabuti” 

            And at that time, you were “dating” someone – taga dorm din natin. Sa East Wing. Sabi ko nga sa yo: “Talaga? Si Liu? As in Kuya Liu?” Oo at talagang malaki ang reaction ko no’n. Kasi nga ang laki ng disparity niyo: parang 6 footer siya, eh ikaw 5’6” ka lang di ba? Ilang taon ba ang agwat niyo? Fifteen or Twenty years ba? Naghahanap ka ng daddy? Tapos judgmental ako – oo na kasi sabi ko, mukhang fake ang mukha niya dahil sa dami ng nilalagay na kung anu-ano. “Bagay siya sa Laguna, espasol” biro ko pa nga sa ‘yo at sabay “Gago ka talaga!” mura ka sa akin. Di ba nga kasi nagpunta pa kayo sa Los Baños sa Laguna kasi at that time never ka pa nakapunta doon at gusto din niyang makita ang bundok ng Makiling. Sabi ko nga sa ‘yo: “baka nga you were meant to be. May common denominator kayo: Los Baños!” 

            First time kong magstay ng weekend sa dorm kasi nga ako naman ay may performance. Ikaw naman ang wala. Weird, very weird. That was the time when you started calling me “kuya” and you started texting me with short and sweet messages like “kumain ka na please?” o kaya “stay happy.” Sa isip ko baka nga lang happy ka diyan with your date. Until nakauwi ka nga at naik’wento mo na “mag-ate kayo!” Tawang-tawa tayo noon. Yun pala, naging sweet ka dahil guilty ka – guilty ka sa pag-ahas! Pero hindi naman daw kasi kami, akala ko lang pala yun! 

            That night na umamin ka sa may Malate, doon ko naisip na dahil ba naunsiyame kayo nung prospect mo, kaya napagtripan mo ang prospect ko? Ang selfish naman no’n tsong! And tama nga si Jean – pareho kayong malandi. Ito namang isa, may asawa’t dalawang anak, nakikipagtsuktsakan pa sa iba. Bakit ba ang tanga-tanga ko. Bakit ba hindi ako kaagad naniwala? Ganon ba talaga pag nainlove? Tapos noong umamin na ako sa kanya na mahal ko na siya, ang sagot lang ni gago: “Mahal din kita, but our love is beyond this world.” Kaya ang dating sa akin noon, kami na. Masyado akong nag-assume. Hindi ko binasa ang subtext at context nung sinabi niya. And then, yun na nga, I received a message from someone named Teresa one time. Nagulat na lamang ako:

            “Hi, Dei. Hindi mo ako kilala pero kilala kita. Naikuwento ka na sa akin ni Melvs – nahumaling siya sa yo kasi cute ka nga naman. Kung ako nga may crush sa ‘yo picture pa lang, paano pa kaya sa personal. Sana ma meet din kita ng personal. By the way, asawa ako ni Melvs. Am sure hindi pa niya nasabi sa ‘yo – baka lang kasi manggaling pa sa iba, kaya ako na ang magsasabi. Baka din magulat ka na makatanggap ka ng message dun sa panganay namin. Kasi nangaaway yun ng mga nagiging crush ng daddy niya. Anyhow, hindi ako makikipag-away. Actually we live under one roof pero wala nang namamagitin sa amin talaga. Hindi ko naman idideny na once in a while, nagseselos ako. Eh sa mata ng batas kasi at sa mata ng simbahan, kasal pa rin kami. Humihingi ako ng annulment sa kanya pero ayaw din niya kasi. Ang complicated no?!” 

            At ayun na nga – kaya para akong sinampal noong gabing iyon sa revelation mo. Yung una, para bang – shet nagpaka-girl pa kasi ako. Tiniis ko na hindi siya maka-sex hanggat hindi maging official na kami. Alam mo yun – sana pala tinikman ko na rin muna siya bago pa man kayo nag-sex. Pangalawa, ako nga tinapos ko na yung kung anuman – na actually, wala ngang dapat tapusin – dahil nga may takot pa rin ako sa mata ng batas at sa mata ng simbahan. Ano ako? Adultress? Excuse me lang no – ganda kong ‘to!  

            Matagal-tagal din ang tampuhan natin – pero nagpatuloy ang sweet messages mo, kasama na ang ilang mga apology at mga pagpapa-cute. By April, my birthmonth, you surprised me. I came home a bit late na – may pa-birthday salubong kasi sina Jean at RH sa akin. So we stayed at a karaoke pub doon sa may Timog hanggang mga 2 AM. Mga 3 AM na ako nakauwi. In short, birthday ko na talaga! You were not in our room then. Baka may date ka or whatever – pero at that time I did not care at all. Masama pa rin ang loob ko sa yo. But when I opened up my closet, I saw this set of CD – unknown group sila – pero natuwa ako ng sobra pagkakita ko sa playlist nila: a group of male artists in the United States singing Broadway love songs, mostly sung by female characters. Volume 1 was fantastic, it included “Someone to Watch Over me,” “Bewtiched,” and my favorite “I know Him so Well.” Volume 2 was equally amazing, with songs like “Nobody’s Side,” “The Human Heart,” “Another Suitcase in Another Hall,” and “In Whatever Time We Have.” My goodness, kinilig ang kipay ko! Grabe, you knew what I wanted! Then there was this note sa loob ng CD set: “Kuya, please sorry na! Happy birthday. Please do not forget to smile!” Biglang naging 1 % na lang ang inis ko sa ‘yo kaya I texted you: “Salamat, you knew me very well na talaga?!” After five minutes bigla kang appear. Galin ka pala sa East Wing at nagdadalan kayo ng mga baklers ng Ipil. That night was a fabulous night. Teka lang, nagkuwentuhan lang tayo no’n, walang nangyari – hindi pa kita type nun no!  

            Then came June 2005, I decided na kailangan ko na rin ng regular work. Two years na rin akong freelancer – from Marketing Associate sa Tanghalang Pilipino at Dramatis Personae, to being a performer sa Dulaang UP at mga iba pang raket here and there – hosting, birthday performer at maging usher sa mga malalaking event sa mga malalaking venue. Hindi na ako bumabata, besides ka-kadiscover ko rin lang ang track ng research sa field ko. And I met some teachers who convinced me to enage in criticism and research more than production works. Naboost na talaga ang morale ko bilang isang academic. Not to mention – ikaw naman din ang nag-inspire sa akin pagdating sa usapin ng publication. It was you who pushed me to be a better scholar. 

            Ayun na nga, nagsimula na akong magturo sa Los Baños. Pero di ko magawang magstay-in doon. Ang schedule ko nga ay nakakaloka di ba? Ika na mismong nagsabi sa akin, “grabe ka rin, superwoman!” I was doing fieldwork every week-end in San Pedro, Cutud for my master’s thesis. Then I travel to Los Baños every Monday, Wednesday and Friday. I leave our dorm at 5 AM para makaiwas sa traffic. Except pag Monday, lumalayas ako sa dorm natin ng mga 4:30 AM kasi coding ako noon. Dahil coding din pag Monday, nagpapagabi din ako sa Los Baños. Most of the time, I stay muna sa may SLEX waiting for the lifting of the number-coding scheme. Otherwise, mahuhuli na naman ako ng MMDA at mapipilitan na naman akong magbigay ng PhP 500.00 para di na ako matiketan. Kaba ko lang noong one time na nakalimutan kong coding nga pala ako. 4 PM kasi natatapos ang class ko sa Los Baños at nagtuloy-tuloy ako ng drive pauwi sa dorm. Aba, pagdating sa may Magallanes, doon ko narealize na coding nga pala ako at mag 6 pa lang ng gabi. Ayun tuloy, nahuli si watashi! When we talked about it, remember you were even convincing me to stay na sa Los Baños kasi baka ako naman ang magkasakit sa stressful na biyahe. I tried staying there for a week, pero “8 pa lang ng gabi, tahimik na ang paligid,” sabi ko nga sa yo.

            “Ayaw mo nun, nakakapahinga ka; nakakapagbasa ka?!” Sagot mo.

            “Para namang di mo ako kilala.”

            “Eh baka dapat maki-ayon na sa panahon – iba na ang tawag ng panahon dun sa katawan mo!”

            Hindi talaga. Gising na gising pa ang budhi ko hanggang alas-dos ng madaling araw, you knew that. Madalas nga mas nakakasulat ako pagdating ng alas-10 at natatapos na ako ng mga 1 AM. At ang pinkamahalaga sa lahat, hindi ako nakakatrabaho sa matahimik na lugar. Ewan ko ba, gustong-gusto kong magtrabaho, magbasa, magmemorize pag medyo maingay. Kaya nga comfortable na comfortable ako sa Tomas Morato. Natatapos ko mga dapat kong tapusin pag may mga naririnig akong nag-aaway, nagtsi-tsismisan, nagtatawanan, music, basta maingay dapat. 

            Anyway, one time in July, napa-aga ako ng dating sa ating room. Galing ako sa class no’n pero galing din ako sa Division meeting and College Assembly. Stressed ng kaunti kasi medyo iniintriga ako ng ilang mga colleague – bakit daw wala ako sa campus pag TTh? Simple lang ang sagot – kasi pinayagan ako ng thesis day ko ang TTh. Besides, may class ako pag Tuesday at Thursday: my final two cognates, Philippine Society and Culture every Tuesday and Anthropological Theories every Thursday. Formal naman ang pagpapaalam ko sa Department namin. I wrote to the Chair way back in June to allow me to free my TTh, pumayag naman. He endorsed it to the Division. May pirma naman ang Division head. Eh bakit tahimik siya noong meeting na ‘yon. But the College Assembly was a different story. While signing my attendance, may nakasabay akong pumpipirma at papasok din sa assembly hall. He was from the Department of Social Sciences. Nagkatinginan kami. He smiled at me. I smiled hesitantly. I did not know what to do. 

            Ayun na nga, naghalong pagod at kilig ang experience ko noong araw na iyon. I went straight to my closet to get my toiletries – makaligo at makapahinga na kaagad. Your closet was slightly open. Ewan, naintriga siguro kung gaano ka ka-organize because your shelf is really, really organized. Sa pinakailalim ng sabitan ng mga damit, naroon ang laundry basket mo. I saw your underwear – nakasabit siya sa laundry basket. Obviously, gamit siya. I did not now what went to my head at pinulot ko siya and slowly placed it under my nose. Oh my goodness – it did not smell bad at all. I was so surprised to smell something wonderful. Ang linis-linis naman pala nitong roommate ko – bakit hindi mabaho ang underwear niya? Then all of a sudden, the door opened. In shock, nahulog ang underwear mo.

            “Sorry, nagaayos ng gamit – akala ko akin!” 

            Grabe, hindi ko alam kung paano magpalusot sa ‘yo. Nakita mo ba ako na inaamoy-amoy ko ang undies mo? Pero nakangiti nga. Nakita mo, ibig sabihin no’n.  Pero what’s important that night was not the underwear experience. Something happened. Something transformed me and you. That night, hindi ako nakatulog. That night, hindi ka rin nakatulog. 

            “Huy, di ako makatulog!”

            “Ako rin, di ako makatulog.”

            “San ka galing kanina?”

            “Lumabas with friends – college friends.”

            “Weh?”

            “Ang dumi talaga ng tingin mo sa akin!”

            “Wow, drama queen ka na, kuya?”

            Pinuntahan kita sa kama, nakihiga na rin ako. Kinuwento mo na may na-meet ka nga ngayon. Sabi mo nga isang bathhouse. I did not know what a bathhouse was that time. Sabi mo lang, ‘wag ko nang alamin and you asked me to promise na hindi kailanman ako magaatubiling pumunta sa anumang bathhouse sa metro. Eh di lalo akong naging interesado. Hanggang sa naikuwento mo na nga na ito ay isang lugar kung saan nagkikita-kita ang mga kloseta. And the rest as they say is kalandian! I was surprised hearing this story from you. Sabi mo nga, “madumi talaga ako, pero regular naman akong nagpapacheck.” 

            “Nagpapacheck ng?”

            “Ano ka ba?”

            “I’m not kidding. Regular na ano?”

            “Hoy, ikaw din regular kang magpacheck.”

            “Ng ano nga?”

            “Aida – tita Aida!”

            “Huh?”

            “Hindi ko alam kung naïve ka lang ba talaga o tanga-tanga ng kuya ko?”

            “Ang gulo mong kausap.”

            But true – super naïve ako. Very late bloomer ako in fact. Imagine, I did not know what a bathhouse was. I did not know that there was such a place where men undress to dress masculinity in order to win sexual favors and pleasure from other men. I did not know about HIV. I did not know about AIDS – I came from a very conservative, Catholic-centered family. Did I mention, I was a seminarian? 

            Pero ayun na nga, naikuwento mo about your bathhouse encounter. 

            “Nasa shower pa lang – sinundan na niya ako.”

            “Wait – so, shower pa lang hubad na?”

            “Oo naman.”

            “Oh my God! Tapos?”

            “Nagkatinginan.”

            “Guwapo ba?”

            “Of course!”

            “Then, I smiled. He smiled back. Lumabas sa shower. Sumunod na ako.”

            “Sa’n kayo pumunta?”

            “Sa ‘taas kasi may tinatawag na mga Japanese Room.”

            “Ay ano yun?” Natawa ka sa akin. 

            “Sorry naman, slow learner!” depensa ko sa yo.

            After ng sobrang detailed na k’wento mo sa bathhouse, na sobrang di ko nakayanan. Napabuntong hininga na lamang ako and I said: “talaga, may ganyang lugar?”

            “See, sabi ko sa ‘yo madumi akong tao!”

            Then we laughed to a point, kinatok tayo ng wing-mate natin para sabihing magtone down tayo. Goodness, hindi pa tayo umiinom nito ha?!

            “Pero we exchanged numbers after that. Kaya nagkita kami ngayon. Coffee lang – ipapakilala ko rin siya sa ‘yo.”

            My turn. I told you about my colleagues who I got really, really frustrated. Then pinakalma mo ako dahil sabi mo, UP is not a perfect place. The problem kasi, as you said “everyone feels too entitled kasi feeling ng lahat matatalino and walang makaka-salungat sa kanila.”

            “On the other hand, kuya, there is this co-faculty. From a different department. I did not catch his name. Pero nagkatitigan din kami kanina habang pumipirma ng attendance sa college assembly. Nag-smile siya. Nagsmile ako – pero kinabahan ako. Nauna siyang pumasok. Napa-CR muna ako kasi. Pagpasok ko, hindi ko na siya mahanap. Pero ang cute niya. Ang cute-cute niya!”

            Strangely, biglang tahimik. I thought you were already sleeping kaya tumayo na ako. Pagtayo, you pulled my hand. You stopped me to return to my bed. I still could not fathom until this day why I kissed you. Was it me? Hindi ba ikaw? Basta, kinaumagahan, nagising ako sa tabi mo. Nagising ka na naka-embrace sa akin. Pareho tayong nakahubad. Hindi na natin napagusapan ulit ‘yon.

End of part 2, to be continued . . .

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s